Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Isang pagsabog ang tumama sa Pribinsya ng Hormozgan, sa bandang Katimugan ng Iran, kahapon, Sabado ng hapon, na kung saan nag-iwan ng mga nalason ng gas at nagdulot ng dose-dosena ang mga nasugatan at nasawi.
Nangyari ang pagsabog bandang 12:30 a.m. lokal na oras sa isang pandaigdigang Daunagn ni Shaheed Rajaee, sa Bansar Abbas, Iran.
Agad naman ipinadala mula sa ibat-ibang Lungsod at lugar ang mga rapid response medikal team at Bareu of Fire Proteksyon sa nasabing Daungan.
Ayon sa mga inisyal na ulat, ang lokasyon ng pagsabog ay isang gusali ng opisina.
Sinasabi naman ng ilang mga mapagkukunan, na may isang tangke ng gasolina sa Daungang Pandaigdigan ni Shaheed Rajaee ang sumabog, na kung saan hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa malamang ang mga kadahilanan nito.
Ang mga aktibidad sa nasabing Pantalan ay sinuspinde muna sa ngayon upang ang sitwasyon ay mabilis makontrol ng mga pwersang panseguridad at tulong mula sa ibat-ibang Lungsod, Probinsya at iba pang mga lugar.
Wala pa ring eksaktong impormasyon sa pagtukoy tungkol sa bilang ng mga eksaktong biktima sa bilang ng mga pagtaas ng mga nasugatan at namatay sa insidente. Dahil sa tuloy-tuloy naman ang
Makikita sa footage ang lawak ng pagkawasak na dulot ng malaking pagsabog na tumama sa daungan ng Bandar Abbas sa katimugan ng Iran.
Ang pagsabog ay nag-iwan ng hindi bababa sa 750-800 katao ang mga nasugatan at 9 na rin ang bilang ng mga nasawi.
………….
328
Your Comment